X-Steel - Wait Mackenziezxcv™ : July 2013

Skeyrisbongbong...

''All the days that you woke up, you have one job, and that's to get better every single day.''

Wednesday, July 10, 2013



  Kagalang-galang na Pangulo

               Apat taon na rin ang lumipas nang pamunuan mo ang bayan ni Juan. Nagtiwala sa’yo ang sambayanang Pilipino na kaya mong baguhin ang sistema ng Gobyerno sa ating bansa. Umasa rin ang taumbayan (at umasa na nga lamang) sa mga pangakong binitawan mo noong nakaraang SONA.
Ngayon, madami ang bumabatikos sa’ yo dahil sa kahirapang nararanasan pa rin ng bansang pinamumunuan mo.
              Minsan nasabi mo na ang taumbayan ang ‘BOSS’ mo. Kung ang taumbayan mismo ang iyong LIDER, nakikitaan mo ba sila nang magandang katangian ng pagiging lider- ang maging mahusay na tagasunod? Hindi ako umaasa na sa anim na taong panunungkulan mo ay giginhawa na ang buhay ng mga kababayan ni Juan. Sa halip ay makakakita ako ng kahit kakaunting pagbabago sa mga ugali at prinsipyo ng mga taong itinuturing mong ‘BOSS’.
            Bigyan mo na lamang ng pansin ang mga pangunahing pangangailangan ng taumbayan, ang TIRAHAN, EDUKASYON, KALUSUGAN at TRABAHO. Huwag mo nang balikan ang pagkakamali ng nakaraan, huwag mo na silang batikusin sa halip mabuhay ka para sa ngayon, gawin ang mga dapat gawin para sa ikagaganda ng ating bukas. Marami ang umaasa sa'yo. Marami ang umaasa na sana'y kahit minsan ay matitikman nila ang kaginhawaan ng buhay. Sa madaling salita, marami ang umaasa ng maunlad na buhay.
           Malaki po ang tiwala namin sa inyo. Sana po ay hindi maipako ang inyong mga pangako dahil
kung maipako man, tiyak mas magiging malala ang mangyayari sa bayang matagal nang  hindi nakakahaon o nakakabangon.

                        
                                                                                                                                   Lubos na gumagalang,
                                                                                                                                                                                       Marcel Catayna