Kagalang-galang na Pangulo
Apat taon na rin ang lumipas nang pamunuan mo ang bayan ni Juan.
Nagtiwala sa’yo ang sambayanang Pilipino na kaya mong baguhin ang
sistema ng Gobyerno sa ating bansa. Umasa rin ang taumbayan (
at umasa na nga lamang) sa mga pangakong binitawan mo noong nakaraang SONA.
Ngayon, madami ang bumabatikos sa’ yo dahil sa kahirapang nararanasan pa rin ng bansang pinamumunuan mo.
Minsan nasabi mo na ang taumbayan ang ‘
BOSS’ mo. Kung ang
taumbayan mismo ang iyong LIDER, nakikitaan mo ba sila nang magandang
katangian ng pagiging lider- ang maging mahusay na tagasunod? Hindi ako umaasa na sa anim na taong panunungkulan mo ay giginhawa na
ang buhay ng mga kababayan ni Juan. Sa halip ay makakakita ako ng kahit
kakaunting pagbabago sa mga ugali at prinsipyo ng mga taong itinuturing
mong ‘
BOSS’.
Bigyan mo na lamang ng pansin ang mga pangunahing pangangailangan ng taumbayan, ang TIRAHAN, EDUKASYON, KALUSUGAN at TRABAHO. Huwag mo nang balikan ang pagkakamali ng nakaraan, huwag mo na silang
batikusin sa halip mabuhay ka para sa ngayon, gawin ang mga dapat gawin
para sa ikagaganda ng ating bukas. Marami ang umaasa sa'yo. Marami ang umaasa na sana'y kahit minsan ay matitikman nila ang kaginhawaan ng buhay. Sa madaling salita, marami ang umaasa ng maunlad na buhay.
Malaki po ang tiwala namin sa inyo. Sana po ay hindi maipako ang inyong mga pangako dahil
kung maipako man, tiyak mas magiging malala ang mangyayari sa bayang matagal nang hindi nakakahaon o nakakabangon.
Lubos na gumagalang,
Marcel Catayna